top of page
Writer's pictureGanda Negosyo

DOST at PhilHealth layong gawing mas abot-kaya ang mga health benefit packages at serbisyo sa mga Pilipino





Upang mas mapalawak pa ang saklaw ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mas maraming Pilipino, ibinida ng Department of Science and Technology - Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), kasama ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ang tatlong research initiatives sa Talakayang HeaRT Beat noong 29 Mayo 2024 sa Quezon City.



“In advancing health science initiatives, we invest in building stronger and healthier Filipino communities. We at the DOST remain dedicated in supporting the research needs of PhilHealth to sustain the implementation of healthcare policies that are inclusive and attuned to the needs of our people” [sa wikang Filipino: Sa pagsusulong ng mga programa sa agham pangkalusugan, namumuhunan kami sa pagbuo ng mas malakas at malusog na komunidad. Kami sa DOST ay nananatiling nakatuon sa pagsuporta sa mga pangangailangan sa pananaliksik ng PhilHealth upang mapanatili ang pagpapatupad ng mga patakaran sa pangangalagang pangkalusugan na saklaw at naaayon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan] ani Dr. Renato U. Solidum,

Jr., Kalihim ng DOST.


Sa pangunguna ni Dr. Corazon Ngelangel ng Unibersidad ng Pilipinas Manila (UP Manila), iminungkahi ng pag-aaral na may pamagat na "Protecting Against Financial Catastrophe: Evaluation of the Z Benefits in Providing Financial Risk Protection and Improving Clinical Outcomes," ang pagpapalawak ng Z Benefit Package para mapabilang ang mas maraming uri ng sakit at mapalawak ang saklaw na kritikal na sakit, maisama ang tinatawag na “quality of life measures” sa mga pagsusuri ng mga pasyente, at paigtingin ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol dito sa mga pasyente at healthcare provider.



 
 


Upang gawing mas simple ang reimbursement para sa inpatient care, inilunsad ng PhilHealth ang All Case Rates (ACR), isang patakaran na sinimulan noong 2013. Itoay bunga ng proyektong "All Case Rates Review and Assessment," na pinangunahan ni Dr. Fernando Garcia ng UP Manila. Base sa kanilang pag-aaral, bumaba ang bilang ng mga benepisyaryo ng PhilHealth na indigent members at patuloy na tumataas ang claims mula sa informal economy at sponsored beneficiaries, kaya't ipinatupad ang ACR.


Ayon sa project team, ang pagbaba ng pagpaparehistro ng miyembro, lalo na sa indigent population, ay isang malaking hadlang sa pagtatamo ng adhikaing universal coverage. Bukod dito, ang mga isyu sa pagberipika ng status ng pagiging miyembro ay nagdudulot duda sa integridad ng sistema.


Ipinarating naman ng proyektong “Development of a Diagnosis Related Group-System Based Global Budget Payment Mechanism,” na pinangunahan ni Dr. Karlo Paredes ng Alliance for Improving Health Outcomes, Inc. (AIHO) ang pangangailangang palitan ang sistemang provider payment for inpatient care ng Diagnosis Related Group (DRG)-system based Global Budget Payment (GBP), kung saan case-based ang sistema base sa clinical variable. Ito ay iminungkahi ng project team dahil sa mga nakitang kakulangan sa kasalukuyang ACR reimbursement system.


Ang tatlong proyektong ito ay bunga ng patuloy na pagtutulungan ng DOST-PCHRD at PhilHealth mula pa noong 2015 sa pamamagitan ng programang tinatawag na PhilHealth STUDIES (Supporting the Thrust for UHC through Data, Information, and Knowledge-Exchange Systems) Program, na nagbibigay ng pondo para sa mga proyektong pananaliksik at iba pang kaugnay na gawain na naaayon sa PhilHealth Research Agenda.


Nagpahayag ng pagpapahalaga si Dr. Edwin M. Oriña ng PhilHealth Corporation sa magkatuwang na proyekto ng DOST-PCHRD at Philhealth. Kanyang tinuran "Nais ko pong pasalamatan ang DOST-PCHRD, sa kanilang pakikipagtulungan para maibigay ang benepisyong pangkalusugang sapat at de-kalidad para sa lahat," sa kanyang mensahe.





 




8 views0 comments

Kommentarer


bottom of page